Chapter 6
Chapter 6
“YOU SAID you want the romantic things but you don’t believe in love. Bakit?”
Ilang sandaling natahimik si Clarice bago unti-unting gumuhit ang matipid na ngiti sa mga labi.
“Because I’m still a woman, Alano. To love and be loved was my forgotten dream. Masyado lang
sigurong napuno ng galit ang puso ko kaya after all these years, ngayon ko lang nagawang aminin ‘yon
sa sarili ko.” Tumingala si Clarice sa kalangitan. Pinuno nito ng hangin ang mga baga bago ito
payapang pumikit. “It feels good to admit things once in a while.” Natawa ang dalaga kasabay ng
paghigit ng hininga ni Alano. He swore he had never seen such beauty.
“Sigurado akong hindi lang ako ang lalaking nagtangkang mapalapit sa `yo. Pero sa dami nila,
mukhang ako lang ang binigyan mo ng chance. Bakit ako?”
“I told you, to love and be loved was my forgotten dream. Naalala ko lang ang tungkol sa pangarap
kong ‘yon nang makilala kita. After all I’ve gone through; meeting you gave me a purpose.” Dumilat si
Clarice at sinalubong ang mga mata niya. He felt like drowning by the depth of her eyes. God... She’s
lovely.
“Binigyan mo ako ng rason para mag-isip at magplano para sa mga darating na araw. At sa `yo ko lang
naramdaman iyon.” Alano failed to hide his smile. Si Clarice naman ang mukhang sandaling
namangha. “I love your smile. And I love how your eyes shine when you do.” Ikinulong nito ang
kanyang mga pisngi sa maiinit na mga palad nito. Admiration was all over her eyes. “Kapag ngumingiti
ka, pakiramdam ko, kaya kong lokohin kahit sandali ang sarili ko at magpanggap na ang ganda ng
mundo.”
“Pero maganda talaga ang mundo, Clarice. It wouldn’t allow us to meet if it wasn’t.”
Mapait na ngumiti ang dalaga. Lumayo ito sa kanya at mayamaya ay nag-iwas ng mga mata...
Nang mga sandaling iyon ay naging malinaw kay Alano ang lahat. Clarice was scared to believe in the
good things because of what happened to her in the past. Hindi nito masyadong idinetalye kung ano
ang eksaktong nangyari rito o sa pamilya nito, siguro ay dala iyon ng sakit na patuloy pa ring
nararamdaman ng dalaga pero handa siyang maghintay hanggang sa isang araw ay makalaya na ito
sa mga bagay na nagpapahirap dito. Tutulungan niya si Clarice. Dahil wala naman nang magagawa si
Alano para sa nakaraan nito pero kung kaya lang niya hatakin ang oras pabalik sa nakaraan ng dalaga
ay buong puso niyang gagawin para maprotektahan ito laban sa taong nagpahirap dito.
And if she could only tell him now who that person is, he is willing to do every thing in his power to give
her justice. Sa nakalipas na mga araw, ang mga nalaman niya mula kay Clarice ay ang mga bagay na
hindi alam ng maraming tao rito. Pangunahin na impormasyon lang ang nalaman niya tungkol sa
dalaga nang minsang mag-research siya tungkol dito. Because even if Clarice was a public figure, she
remained an enigma to the whole world. Ni wala siyang idea sa mga nangyari sa pamilya nito.
Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan ni Alano bago kinatok sa kwarto nito si Clarice. Pagod
na siyang mag-isip pa. Bukas ang ikahuling araw nila ng dalaga sa beach. At hindi niya maatim na
bumalik sa realidad pagkalipas ng tatlong linggo nang hindi man lang naipapaalam dito ang totoong
nararamdaman niya.
Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang pinto. Bumungad ang nakapantulog nang si Clarice.
“Alano, hi,” para bang pagod na pagod na pagbati ng dalaga. He wanted to know what she was
thinking, what was keeping her awake, and the reason why she looked in pain. He wanted to be
involved in her life. But at the same time, he didn’t want to pressure her. It might scare her away.
Bumuntong-hininga siya.
“It’s late, Alano. I thought you’re already asleep—”
“May kailangan lang akong malaman,” putol ni Alano sa mga sasabihin pa sana ni Clarice. Marahang
tumikhim siya. “The first time that I got to talk to you, there was already a man who was offering you the
world. I assumed that he’s a very wealthy and capable man to say that. Heck, he’s probably a lot richer
than I am. Pero bakit mo siya tinanggihan?”
Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang dalaga. “It’s almost twelve midnight, Alano. At
pinuntahan mo ako rito para lang magtanong tungkol sa bagay na `yan?”
“I know. And I’m sorry.” Bumuntong-hininga uli si Alano. “Pero ang tagal ko sa labas at nag-isip lang.
Napansin ko na bukas pa ang ilaw mo rito mula sa bintana kaya...” Nagkibit-balikat siya. “Here I am.
Gusto ko lang malaman ang sagot mo. I’ve been dying to know your reason for weeks now.”
“Dahil sapat na sa ‘kin ang kung anong mga naipundar ko. At hindi ko na kailangang magpakasal pa sa
ibang lalaki para lalong umunlad. I refused to be too rich.” Napahawak si Clarice sa noo. “The richest
people always have this tendency to be greedy. Hindi sila makuntento. They always want more and
that’s awful. Ayaw nilang mamahagi.”
“You are damn right about that.” Tumango-tango si Alano habang ipinoproseso sa isip ang sagot ni
Clarice. “I actually feel awful right now and yeah, I feel greedy, too. Because despite what I have, I still
want more. I want you. At ayaw kitang ibahagi sa iba. I didn’t know that I have this tendency until I met
you.”
Nanlaki ang mga mata ni Clarice. “Alano—”
“I love you, Clarice.” There. Nasabi niya na rin. Pinagmasdan ni Alano ang pagrehistro ng pagkagulat
sa mukha nito. Sa loob ng ilang sandali ay gumaan ang pakiramdam niya sa ginawang pag-amin.
Hanggang maaari ay sinubukan niyang pigilan na muna ang nararamdaman para sa dalaga.
Sinubukan niyang huwag na munang intindihin kung bakit hindi niya na magawang matahimik simula
nang makita si Clarice sa Denver. At kung bakit lalong hindi siya mapakali nang makita na ang dalaga
sa malapitan. Mawala lang ito sandali sa kanyang paningin ay nagwawala na ang kanyang puso.
Ayaw pa sana munang mahalin ni Alano si Clarice kahit pa naramdaman niyang doon na siya papunta.
She has so many baggages in her heart, she has so many things that she needs to deal with. Kapos
din ang paniniwala nito tungkol sa pagmamahal. Magkaiba din ang mga pinaniniwalaan nila sa buhay.
It was the first time Alano ever loved and he ended up with a woman whose heart was filled with too
much pain that she could not entertain love completely.
Pero makulit ang puso niya. Because he was captured by her the first time he laid his eyes on her. And
every day with her just makes him all the more trapped under her spell.
“May oras bang pinipili si Kupido?” naalala ni Alano na sinabi ni Kuya Ansel nang ilahad niya rito ang
problema niya sa puso. “`Pag dumating `yan, walang ‘teka lang,’ ‘pass,’ o kaya ‘next time na, iba na
muna.’ Hindi ka pwedeng mag-request dahil hindi `yon uso sa kanya. Once he hits you, you’re on.”
Yeah, I’m on.
“BIGYAN mo ng pagkakataon ang mga sarili natin, Clarice. Araw-araw, pagsisilbihan kita. I will be good
to you. I promise to improve my cooking skills. Ipagluluto kita parati. Kahit na anong magpapasaya sa
‘yo, gagawin ko,” nakikiusap na tinitigan siya ni Alano. “Just give me a chance, please.”
Clarice should be happy. She was getting ahead of her mission. Sa wakas ay nakasiguro na siya sa
nararamdaman para sa kanya ni Alano dahil heto at nagtatapat na ngayon ang binata. Kung
malalaman iyon nina Maggy at Yalena, siguradong matutuwa ang magkapatid dahil umuusad ang
plano. Pero hindi niya mailarawan ang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
She was not expecting this from Alano. Ang misyon nila ay ang magkagusto sa kanila ang
magkakapatid na McClennan na sasapat para makakuha sila ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan
ni Benedict. They planned to seduce them until they give in. Hindi sila umaasa ng pagmamahal dahil
duda sila sa kakayahan ng mga McClennan na makaramdam ng ganoong uri ng emosyon.
But then again, Alano fell in love with her. And she was overwhelmed by the truth visible all over his
blue eyes.
“I want to give you another purpose. Gusto kong mangarap ka, kahit ngayon lang, para sa ating
dalawa. Clarice, mahal kita.” Inabot ni Alano ang kanyang mga kamay at dinala sa mga labi nito.
“Kalimutan mo na ang nakaraan. Hayaan mo akong tulungan ka. Let my love be your light to guide you
back to the beautiful things that you’ve walked away from when you got hurt. Hayaan mong ako ang
maging pag-asa mo. Let me be your love. Let me show you that life is still beautiful, Clarice, because it
really is.”
Nagsikip ang dibdib niya. Paano mo ako matutulungang lumimot kung ang sarili mong ama ang dahilan
kung bakit miserable ako? Dala-dala mo pa ang apelyidong kinasusuklaman ko.
NANGILID ang mga luha ni Clarice. Nang bawian ng buhay ang kanyang ama at magkasakit ang
kanyang ina, pakiramdam niya ay tinangay ng pangyayaring iyon ang halos buong buhay niya. Every
single day since then, she forced herself to go on. Pinilit niya ang sariling bumangon at mabuhay na
ang nag-iisang motivation ay ang makamit ang hustisya. She had forgotten to live when she was Têxt © NôvelDrama.Org.
thirteen, she just merely existed.
And then the mission had to start—the one that she had been waiting all her life. Sa pamamagitan ni
Alano, may access na siya kay Benedict. Every thing could have been easier... If only Alano was not
the way he was. If only he was harsh, if only he was rude. Kung kasinsama lang ang binata ng ama
nito, siguro ay wala siyang madaramang pag-aalinlangan ngayon. And if only he didn’t fall for her, she
could have avoided feeling sad and guilty despite the pain in her heart.
Sa nakaraang mga araw ay naging napakabuti ni Alano kay Clarice. Ginawa siya nitong prinsesa.
Madalas man siyang nakawan ng halik ay kitang-kita pa rin ang matinding kontrol nito sa sarili na
huwag siyang tuluyang angkinin. Benedict would fail in comparison to his son.
Pilit na inalis ni Clarice ang bara sa kanyang lalamunan. “Alano—”
“Hindi kita sasaktan kung ‘yon ang inaalala mo. Oo, aminado ako, naging mapaglaro ako noon. But
that was before you came into my life.” Marahas na napabuga ng hangin si Alano. “Pero maniwala ka
sanang wala na akong tiningnang ibang babae mula nang makilala kita. And my world…” Masuyong
ngumiti ang binata. “You didn’t even have to ask for it, Clarice. You had it the first time we kissed. And
—”
Napailing si Clarice. Her heart felt like bursting with so many emotions she’s too scared to entertain.
Bumitiw siya mula sa pagkakahawak ni Alano pagkatapos ay inilagay ang mga daliri sa mga labi nito
para patigilin na sa pagsasalita. “Tama na.”
You are starting to make me feel guilty when I’m not supposed to. Dahil kung tutuusin, sa pagitan
nating dalawa, ako ang agrabyado rito, Alano. Sinikap niyang ngumiti. “I think I’m starting to fall in love
with you, too, Alano.”
Ilang sandaling para bang naestatwa sa kinatatayuan si Alano bago bumakas ang matinding saya sa
anyo nito. Kaagad na tinawid ng binata ang distansiya sa pagitan nila at hinalikan siya sa mga labi.
Mainit ang halik na iyon, punong-puno ng emosyon at tumatagos sa kanyang puso na kung hahayaan
niya ay posibleng maging dahilan para ikasira ng plano nila ng mga kaibigan.
Alano... Her heart yelled. Why did you ever have to be a McClennan?