Chapter 15: Paghihirap ng kalooban
"MALANDI kang babae ka!" Nanlilisik ang mga mata dahil sa galit na sumugod si Jinky sa kinaupoan nila Joy. Maaga siyang pumunta sa bahay nila Yosef upang akitin sana ito dahil araw ng linggo ngayon. Ngunit aabutan niya ang dalawa na masayang kumakain sa harden at sinusubuan pa ng binata ang kasalo.
"Huwag kang magkamaling hawakan kahit isang hibla ng kanyang buhok!" Banta ni Yosef kay Jinky at mabilis na tumayo upang iharang ang sarili sa katawan ni Joy.
"Bakit mo ito ginagawa sa akin, Yosef? Birhin din naman ako nang makuha mo ah at mas maganda naman ako kaysa kanya?" Puno ng hinanakit na sumbat ni Jinky sa binata.
Nakaramdam naman ng lungkot at awa si Joy para kay Jinky. "Paano kung pagkababae ko lang din ang habol ni Yosef at iwan kapag nagsawa na katulad kay Jinky?" malungkot na naitanong nito sa kanyang sarili habang pinapanuod ang dalawa na nagtatalo hindi kalayoan sa kinaupoan niya.
"Huwag nega, hindi ba at tumutupad siya sa gusto mo na kasal muna bago ka galawin?" saway ng kanyang kunsensya.
Gusto pa sana niyang makipag debati sa kanyang sarili ngunit natigil ito nang makitang sinampal ni Jinky si Yosef. Agad niyang nilapitan ang mga ito at baka masaktan rin ito ng binata.
"I'm sorry, pero alam mo naman na mula sa umpisa ay hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa iyo."
Napatigil si Joy nang marinig ang sinabi ni Yosef kay Jinky.
"At ang babae na iyon ay mas mahal mo kaya hindi mo na ako kayang panagutan?" Hilam sa luha ang mukha ng dalaga at sinampal muli ang binata. Nagpaubaya lang ang huli sa pananakit ni Jinky. "Yes, I love her more than my life!" Matapat na tugon ng binata.
Parang may paroparo na nagliparan sa dibdib ni Joy sa tinuran ni Yosef. Handa na sana siyang ipaglaban at agawin nang tuloyan ang binata kay Jinky ngunit dagli lamang iyon nang marinig ang kasunod na sinaad ng binata.
"Kung ako talaga ang ama ng batang dinadala mo ay kilalanin ko siya at ibibigay ang kanyang pangangailangan."
"Ang sama mo! Nagdadalawang isip ka pa na ikaw ang ama nito? Bulyaw ni Jinky sa binata.
"Bu-buntis ka?" Garalgal ang boses ni Joy, takot ang mabanaag sa mukha ni Yosef nang lingonin nito ang dalaga.
"Love, hindi pa naman sigurado na..."
"Diyan ka lang," pigil ni Joy sa binata nang tangka siyang lapitan. Ayaw na niya marinig ang iba pang sasabihin nito dahil parang piniga ang kanyang puso sa sakit.
"Mas nag-aalala ka sa damdamin ng babaeng iyan kaysa sa akin?" mapang-uyam na tanong ni Jinky kay Yosef.
"Shut up!" Tiim ang bagang sa galit na asik nito kay Jinky. Wala siyang pakialam sa damdamin nito ngayon dahil sigurado siya na naging maingat sa tuwing magsalo sila sa init ng kanilang katawan.
"Uuwi na ako," hindi tumitingin sa binata na paalam ni Joy. Gusto niya munang mapag-isa at iwan ang dalawa upang makapg-usap ng maayos.
"Aray!" Daing ni Jinky at sapo ang tiyan.
Hindi na nagawang habulin si Joy na pumasok sa loob ng bahay upang kunin ang bag nito nang makitang dinudugo si Jinky. Agad niya itong binuhat at dinala sa hospital.
Malungkot na nilisan ang bahay ng binata nang hindi na nadatnan ang dalawa sa labas. Sa Kumbento siya tumuloy dahil ngayon niya kailangan ang payo ng mga Madre.
Hindi na alam ni Yosef ang gagawin habang hinhintay ang paglabas ng doctor sa emergency room. Tinawagan niya si Joy ngunit walang sumasagot. Natatakot siya na baka hindi na siya tatanggapin ngayon ng dalaga sa buhay nito. Hindi naman niya maiwan di Jinky at kargo kunsensya naman niya ito ngayon.
Sa kumbento ay agad na nagkulong si Joy sa kaniyang silid. Hindi rin siya nagpakita sa mga bata at tanging kay Mother Theresa lang siya nakipag-usap.
"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo, Anak?" tanong ni Mother Theresa kay Joy. Dalawang araw na mula nang umuwi doon ang dalaga at ayaw makipag-usap sa iba maliban sa kanya.
"Marahil ay pinarosahan ako ng langit, mother dahil binalak ko na talikuran ang una kong pangarap sa buhay."
"Hindi totoo iyan, Anak. Snusubokan ka lamang niya kung hanggang saan ang tibay ng pagmamahalan ninyong dalawa. Sundin mo ang nais ng iyong puso at isipan upang wala kang pagsisihan sa bandang huli."
"Hindi ko po kaya na ako ang maging dahilan na walang kilalaning ama ang bata." Tuloyan nang umiyak muli si Joy sa balikat ng butihing madre.
"Naniniwala ako na mahal ka rin niya, pero hindi ko rin sinasabi na kailangan niyong ipaglaban ang pagmamahalan ninyo sa isa't isa dahil may isang anghel na magdurosa. Hayaan natin na ang maykapal ang magpasya para sa inyong dalawa. Manalig ka lamang pero hindi rin tama na ituloy mo ang iyong bokasyon sa pagka madre dahil lamang sa nabigo ka sa pag-ibig." Malungkot na
payo ni Theresa sa dalaga. Nasa labas ang binatang iniiwasan ngayon ni Joy at lumuhod kanina sa kanyang harapan at humihingi ng patawad.
"Patawad po, mother, naging marupok ako. Mahal ko po siya pero 'di ko siya kayang ipaglaban kung kaya naisipan ko na lang na ituloy ang nais ko sa buhay noon." Tumatangis nitong pag-amin sa tunay na saloobin.
"Magdasal ka, anak, upang malinawan nang husto ang iyong isip at maituro niya sa iyo ang tamang daan patungo sa iyong kaligayahan."
Sinunod ni Joy ang payo mgadre, hindi siya lumabas at nakipag-usap pa kahit kanino.
Nanlulumo na nilisan ni Yosef ang kumbento. Ayaw pa rin siyang harapin ng dalaga at hindi mapilit ng madre na lumabas. Si Jinky ay nanatili sa hospital pero may tagabantay na ito roon. "Ouch, mama, naman!" Reklamo ni Yosef nang paluin siya ng sandok ng bagong kararating lang na ina.
"Nasisiraan ka na ba ng bait, ha? Alak ang almusal mo tapos hindi mo pa pinabalik dito ang mga katulong? ang kalat ng bahay!" Galit ang ginang at pinameywangan ang binata.
Napauwi siya nang wala sa oras nang nakausap niya ito sa telepono at umiiyak. Sinabi pa nitong magpa-pari na lang ito kung hindi si Divine Joy ang mapangasawa.
"Maligo ka at ayusin mo iyang sarili mo ngayon din, puntahan natin si Jinky!" Mando nito sa anak nang hindi ito makatingin sa kanya nang diritso.
"Ayaw ko pong humarap sa kanya, gusto ko si Joy ang kausapin niyo para bumalik na siya sa akin." Parang bata na tugon nito sa ina.
"Tumigil ka, kailangan kong malaman muna kung ikaw nga ba ang ama ng dinadala niya bago ayusin ang sa inyo ni Joy!" Bulyaw nito sa binata upang mapasunod.
Walang nagawa si Yosef kundi ang sumunod sa ina. Pagkarating ng hospital ay may lalaking bisita ang huli.This is property © NôvelDrama.Org.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Matalim ang tingin na ipinukol ni Yosef kay Jano. Naiinis siya dito dahil naging manliligaw ito ni Joy.
"Jano, please umalis ka na," kinakabahan na pakiusap ni Jinky sa kaibigan.
"Ano ang relasyon ninyong dalawa?" Nakangisi na tanong ni Yosef, hindi niya alam na magkakilala pala ang dalawa.
"Tama na Jinky, dapat niyang malaman ang totoo at hindi ako makakapayag na ipaako mo sa iba ang bata." "Ano ang dapat naming malaman?"
Dumoble ang kabang nadarama ni Jinky nang makita ang ina ni Yosef. Kanina pa siya nakiusap kay Jano na huwag sirain ang kanyang plano ngunit naging matigas ito sa pagtanggi sa kanyang nais. "Ako ang tunay na ama ng batang dinadala niya." Matatag na pahayag ni Jano at hindi manlang kabakasan ang mukha ng pagkabahala.
Biglang uminit ang ulo ni Yosef sa galit hindi dahil sa nalamang ito ang tunay na ama ng bata, kundi dahil sa isiping binalak nitong akitin ang kanyang Joy noon.
"Tama na!" Sigaw ni Jinky nang suntokin ni Yosef si Jano. Dumugo ang ilong nito nang doon tumama ng suntok ni Yosef. Nasaktan siya nang makitang nagpapaubaya lang si Jano at hindi lumalaban. "Huwag na huwag ka na ulit magpakita sa akin na hago ka kung ayaw mong sirain ko nang tuluyan iyang mukha mo!" Duro ni Yosef sa tahimik na lalaki. "Yosef, patawad! Sobrang mahal kita kaya ko nagawa ito." Umiiyak na pakiusap ni Jinky sa binata.
Napailing na lamang si Meldred habang tinititigan si Jinky. Kung hindi lang ito buntis ay hindi lang isang sampal ang maibigay niya dito. Noon pa man ay ayaw na niya dito at hindi nga siya nagkamali. Hindi nga maganda ang dala nito sa kaniyang anak.
"Bitch! Mahal? May pagmamahal bang nagpabuntis sa iba at ipaako sa akin? Ang tingin mo ba sa akin ay ganoon na talaga katanga, huh?" Sumbat niya sa dalaga habang kuyom ang mga kamao upang pigilan ang sariling masaktan ito. Mabilis na nilapitan ni Jano ang kaibigan upang protektahan kumg sakaling saktan ni Yosef. Masakit ang mukha niya dahil sa suntok ni Yosef ngunit hindi niya iyon ininda.
Napahagulhol ng iyak si Jinky dahil sa masasakit na katotohanang binabato sa kaniya ni Yosef. Nasasaktan din siya sa nakikitang hitsura ngayon ni Jano. Ngayon niya lang na realize ang kahalagahan sa kaniya ng kaibigan. Kahit nakagawa siya nang hindi maganda dito ay hindi siya iniiwan. Tunay ang pagmamahal nito sa kaniya at nakunsensya siya sa paggamit dito para sa pansariling kagustohan.